Monday, April 16, 2012

I enjoy talking with simsimi.. really really funny. ! hahahaha

Kapag boring ako. wala ng maisip ng kung anong pwedeng gawin o iexplore sa net. kakausapin ko lang si simsimi..hahaha..nakakatuwa talaga. natatawa ako kahit mag isa eh.. LOL.. :)





DOn't Break SOmeone's Heart

DOn' break someone's heart.

they only have ONE

Break their BONES na lang

they have 206 naman =)

from:09359296***

Sunday, April 15, 2012

Pangaginip ko kaninang madaling araw.. hehe

    Nanaginip ako kaninang madaling araw,,, tungkol sa pinsan ko.. Ikinasal na daw sya sa kanyang BF. Late na daw ako nakarating sa seremonya ng kasal kasi may pinuntahan pa ako. dERE derecho daw ako sa harap ng altar.. kinakausap ko daw ang pinsan ko (si rhegine) .. tinatanong ko kung bakit ganun ang suot nya.. RED na MiniGown.. tapos nakalugay ang buhok tas ang malupet.dry pa.. ! hahahaha, nd ko alam kung bakit.. nd naman talaga ganun ang buhok nya sa personal eh. hehe...
   tas ang suot naman ng kanyang BF ay maluwang na Barong.. haha..nd din alam kung bakit.....

Ang reception naman daw eh ginanap sa likod ng bahay namin.. yung mga kumakain na mga bisita ay nakaupo sa bato.. walang upuan hahahah...yun lang.. tas nagising na ako..

  (Tinawagan ko kanina si pinsan (Rhegine) kinwento ko sa kanya yan lahat !... dami nya tawa eh hahaha LOL )...

Friday, April 13, 2012

Nabasa ko lang to habang nag i FB hehehee !

Boy: Hi baby!! Kamusta ka na? Ang saya saya ko ngayon!!
Girl: Teka lang text ka na lang mamaya. Busy ako kasi sa thesis namin.
Boy: Ehh mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita ehhh :)
Girl: Kailangan ko ngang matapos to, kasi nga malapit na ang due nito.
Boy: Sige na baby, minsan lang naman ako man lalambing ng husto eh. Gusto kita makasama ngayon, ipagpabukas mo na lang yan. Please? :D
Girl: Ano ba kase?! Bigyan mo naman ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo ba naiintindihan?! Project ko to! Thesis namin!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!! HINDI NAMAN IKAW LAGI SAYO IIKOT ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO I TEXT!!
Boy: Sorry baby. Mahal na mahal po kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita mamaya...
Boy: Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit :D
Boy: Hi baby, hindi ka parin nag rereply.. Kamusta na po thesis mo diyan?
Boy: Baby... Di ka pa rin nag rereply.. Nag aalala na po ako sayo...
Boy: Baby 10pm na... Dalawang Oras ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss na po kita. I love you po...
Boy: Uhm baby.. I love you. Sana po ok ka lang diyan. Andito lang ako palagi, malapit na kitang laging makasama :)
Girl: Diba sabi ko sayo mag tetext ako sayo pag tapos na ko dito sa THESIS ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!? Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo maintindihan?! Parang wala ng bukas eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang!
Boy: Sorry baby.. Ok po.. Goodnight po sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi, lagi kitang babantayan. Andito lang ako, hindi ako mawawala sayo.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan
.
.
.
Girl: Baby, gising na po. Sorry po kagabi sa mga nasabi ko. Busy lang talaga ako. Kain ka na po, papasok na ako..
Girl: Gising ka na, papasok ka na. Text mo ko pag gising mo..
Girl: Ui, bakit hindi ka pa nagtetext. Break na namin. Pumasok ka ba? Wala ka bang load? Ui... Text naman..
.
.
.
Boy: Anak.. Iniwan na niya tayo.. Iniwan na ko ng anak ko at iniwan ka na rin ng kasintahan mo. Iniwan na niya lahat ng mahal niya sa buhay. Nasabi ba niya sayo na may taning ang buhay niya? Ngayon ang pangatlong taon na ibinigay ng doktor sa kanya, akala namin hindi totoo, wala naman kasi makakapagsabi ng buhay ng isang tao. Pero nagulat kami, hindi na rin kinaya ng puso niya. Ginigising namin siya kaninang umaga, hindi na siya nagigising. May huling text pa nga sayo, na hindi na send ito ang sabi niya sayo anak " Mag-iingat ka palagi, masaya ako sa pupuntahan ko, huwag kang iiyak. Pasensya hindi ko sinabi sayo, ayaw kong ipaalam sayo dahil ayaw kong mamroblema ka sa kalagayan ko, pati sa thesis mo, ayaw kong dumagdag. Hindi ko alam kung swerte pa kong sisinagan ng araw bukas. Araw-araw akong nagdadasal na sana bigyan niya ako lagi ng araw para makita ka, araw para makasama ka, sobrang mahal kita. Sayang, yung huling araw ko dito di man lang kitang nakausap. Pero naiintindihan kita.. Baka nga naman ikabagsak mo pa yan. Sorry talaga. I love you baby, promise me. Magiging matatag ka. Nasa tabi mo na ako ngayon.":(

May naalala ako bigla :'(

Thursday, April 12, 2012

Passover at Teacher's COnference Center


















eto naman po yung latest photos ko nung April 7 2012, passover heheheh !

Edit po nung nauna kong video na nag lilip sync. hehe

\
eto namang video na ito ay edited na,, galing dun sa nauna kong video..pinalitan ko lang yung background.. wala kasing magawa e.. haha.. explore explore lang ng mga pwedeng mgawa sa net.. :)

I, singing 'love you like a love song' by selena Gomez.. Lip Sync Lang



ginawa ko tong video na toh last August 2011.. mag isa lang ako sa bahay nun.. walang magawa kaya ayan.. nagbabaliw baliwan haha. !! LIP SYNC lang yan. hahahahaha

Publishing of wabsFM Website

  April 12, 2012-  natapos ko din ang website ng wabsFM Tambayan .. 2 days ko lang ginawa. mula nung APril 11, 2012.. eto na ang bagong itsura ng blog ko.. sana magustuhan nyu.. hahaha :)

pagkatapos nun. ginawa ko naman tong blog na to .. dito nkalagay lahat ng ginagawa ko.. hahaha  :)
 

Wednesday, April 11, 2012

Iba talaga pag Inlove.. walang kasawa sawa

  Ngayong friend na kami sa Facebook..hindi ako nag sasawang isa isahin ang kanyang photos.pa LIKE LIKE lang nga mga posts nya. Sapat na sakin ang  mga ginagawa kung yun..ganun talaga pag INLOVE,, kau ba ? naranasan nyu na yung ganung feeling ?

yeehoooo.. ! alam ko na ang pangalan nya..

      April 9, 2012-  Hindi talaga sya mawala sa isip ko :] Hindi ko alam kung CRUSH lang ba yun o baka INLOVE na ata ako haha ! Dinadaan ko na lang sa tawa pero seryoso ako.. inlove na ata ako sa kanya.
   
 Naalala ko nga pala na kasama yun ni Kua Philip,.kaya marahil friend nya yun sa Facebook,. Ang ginawa ko.. pumunta ako sa Comp Shop ng mga Oras na yun.!Sinearch ko si Kua Philip tas inisa isa ko ang lahat ng kanyang Friends, nagbabaka sakaling mamukhaan ko ang gwapong yun..Hindi ako nagkamali , sya nga yun,., ginawa na nyang profile picture yung picture nya sa Pool sa Maribel's Garden. haha. ang bilis nya mag upload huh !...agad agad akong nag send ng friend request sa kanya, ! hahah kelangan talaga  AGAD AGAD.. hindi na makapaghintay,hahaha..
     
     Sana iconfirm nya ako agad .. hahahaha !

Bago kong crush.. kaso hindi ko alam ang pangalan nya

     April 7-8, 2012 noon, Passover ng Neocatechuminal , 11:00 P.M. na kami nakapunta sa pagdadausan ng Selebrasyon. Alas dose kasi dapat eksakto ang simula nun. Naisip ko nga kung pano ko palilipasin ang gabi na yun na hindi makaktulog hehe :) . Hindi pa naman ako sanay sa puyatan haha !> Ginawa ko na lang libangan ang pag-aalaga sa anak ni Alvin (si Aliyah) . Sobrang malikot na bata.. hndi na natali eh ! haha.. 1:30 a.m. nga nung kinuha ng kanyan Ina sakin yung bata..After nun,. nakaramdam na ako ng antok. Ang ginawa ko,, bumaba ako sa ground floor ng TCC( Teacher's Conference Center-dun ginanap ang Passover)maraming sopa dun. dun ako natulog :)
    Mga 5:30 A.M. na siguro ako nagising. umakyat agad ako sa Second Floor ! Hindi muna ako pumasok sa pinto.. umupo muna ako sa labas kasi dama ko pa rin ang antok !. Maya-maya pa'y tapos na ang Selebrasyon, nag sitayuan na ang mga. ayimmmmmmmmmmmmmmm !
    May nakita akong isang Matangkad na lalaki.. mga dalawang dangkal ang tangkad nya sakin (5'5 ako) .para sakin ang gwapo gwapo nya hehe.. Magiging masaya siguro ako kung malalaman ko ang pangalan nya :0..
    After nun ang lahat ay pupunta sa Maribel's Garden para sabay sabay na mag-aalmusal. I'm very thankful  kasi kasama din SYA(crush ko) dun. Pagdating namin dun..picturan muna sa Pool.ang ganda ng place grabeee ! .. pero hindi ko pansin yun.. panay ang dais ko dun sa kanya !haha LOL.. Minsan pang nagtatama ang aming paningin.. hiya tuloy ako haha. ! Kinikilig ako nun SOBRA !. Hanggan sa pagkain namin.. Sakto na sumunod sya sakin sa pila.. Nanlalamig ako. parang gusto ko syang kausapin. pero nadadaig ako ng pagiging mahiyain ko :) pasensya na ganito tlaga ako eh !.
    Hanggan sa umuwi kami sya ang nasa isip koo..
hayyyyyyyyyyyyy ! Sarap ng feeling !........ 

Abangan ang Susunod.......